Details

  • Last Online: 19 hours ago
  • Location: Supernova
  • Contribution Points: 2 LV1
  • Roles:
  • Join Date: June 11, 2023

summy

Supernova

summy

Supernova
Our Beloved Summer korean drama review
Completed
Our Beloved Summer
0 people found this review helpful
by summy
Aug 31, 2023
16 of 16 episodes seen
Completed
Overall 10
Story 10.0
Acting/Cast 10.0
Music 9.5
Rewatch Value 9.5
This review may contain spoilers

OSUMmer

• Mabilis lang ako manood ng series, but I watched this for one week bc it was draining for me. Bakit ko 'to pinanood? Matagal ko na 'to nakita sa tiktok (oo, tiktok na naman lol) nakita ko kasi 'yong edited clips na "what if your greatest what if" eneme and that got my interest. May summer pati ang title kaya nakuha ako. As a masokista, mahilig talaga ako sa mga mapanakit na drama (wala po akong pake sa mental health ko yes po hahaha) itong kdrama na 'to ang hinahanap ko sa isang drama, gusto ko 'yong solid na pain. Mula ep 3 hanggang ep 11 umiiyak ako, relate kasi yata ako.

• Familiar na 'to sa'kin si Choi Woo Shik dahil napanood ko na 'yong drama niya na "Boy Next Door" na mistaken as bl lang pala. Hindi siya gano'n kaattractive sa'kin kasi hindi siya matangkad pero ang nagustuhan ko sa kaniya is 'yong sexy eyes niya, & magaling siya mag-express ng emotions even tho walang words--his facial expressions >>>

• Tungkol 'to sa isang top student at worst student na ginawa'n ng documentary no'ng summer high school pa sila, and nagkadevelopan sila. Naging sila no'ng last shoot then nagtagal ang rs nila, if I'm not mistaken naging sila mga 5 years ta's nagbreak.

• Since mapaglaro ang destiny ay nagkita ulit ang mag-ex lovers unexpectedly (work-related). Binigyan ako ng idea ni Choi Ung kung anong gagawin ko kapag nakita ko ulit ex ko HAHAHAHA chz, gusto ko kasi 'yong ginawa niya. For me, hindi 'yon harsh walang-wala pa 'yon sa sakit na nakuha niya. Deserve 'yon ni Yeon Su bc mapride siya, medyo magkalevel kami ng pride kaya hindi ko rin siya magawang i-hate lol.

• Ji Ung said "Choi Ung is the kind of person who isn't afraid to be in pain if he can make others suffer," ako 'to last year kaya nakarelate ako sa line na 'to at idc kung pareho kaming nasaktan basta hindi ako magsosorry sa ginawa ko hahaha sinasadya ko 'yon.

'Yong sinabi naman ni Choi "Attack is the secret of defense", gaguu ginawa ko rin 'to last year HAHAHAHAHAHA kaya proud na proud ako kay Choi Ung napakastrong.

For me lang ha, unique mag-isip 'tong si Choi Ung natuwa ako sa sinabi niyang "I'm buying time for them so we can have a calm conversation". Imagine lagi niyang tinatakbuhan kapag nag-aaway or may prob sila kasi para mabawasan 'yong emotions at makapag-usap sila nang maayos, very clever huh.

• May pagka Yeon Su nga ang behavior ko kaya sobrang sakit no'ng pinaliwanag ni Choi Ung 'yong nararamdaman niya tuwing sinasabi ni Yeon Su na ok lang siya gan'to ganiyan kahit hindi naman, na walang magawa si Choi Ung kundi tanggapin kasi feeling niya wala naman siyang magagawa, and it hit me hard na nagkaroon ako ng reflection sa sarili ko (tama na po masakit na hahaha ems). Maraming nagsabi na boring daw 'to, but I think kaya lang nila nasasabi 'yon is hindi lang sila relate. Although slow paced 'to, nakuha ako. Maganda ang drama na 'to lalo na kung heartbroken ka ta's ito pinapanood mo ay nako ilang beses ka magrerelapse kasi gano'n ito karelatable.

• I like that Ji-Ung and NJ had a POV.

• Ji Ung and Choi Ung friendship >>>

• Choi Ung didn't draw people even his parents, but Yeon Su was the only exception <33

• Parang medyo rushed ang ending, anong itsura na ng drawing ni Choi Ung? Kumusta na si grandma? Bakit nakahiwalay sa series 'yong ginawang documentary tinatamad tuloy ako panoorin 'yon hmp.

• Being abandon is scary, but I really like that Choi Ung confronted it in the end.

• Gumagana ba ang s2 sa kdrama? gusto ko sequel ta's about kay Ji Ung naman (meron ba?), interested po ako sa kaniya dahil siya ang aking fav character sa series na 'to.

• I really believe in second chances kaya binibigyan ko ito ng solid 10/10!!
Was this review helpful to you?