Details

  • Last Online: 1 day ago
  • Gender: Male
  • Location:
  • Contribution Points: 0 LV0
  • Birthday: October 25
  • Roles:
  • Join Date: January 3, 2020

Adrian Kyle Tupaz

Adrian Kyle Tupaz

SKY Castle korean drama review
Completed
SKY Castle
0 people found this review helpful
by Adrian Kyle Tupaz
Apr 17, 2021
20 of 20 episodes seen
Completed
Overall 10
Story 9.5
Acting/Cast 10.0
Music 10.0
Rewatch Value 10.0
This review may contain spoilers

Mabuhay!

Mabuhay! Maligayang pagdating sa SKY CASTLE kung saan makikilala mo ang mga mayayamang pamilya, respetado sa kani kanilang larangan at matatalinong bata.

Ganda ng intro no? maituturing mong isang paraiso ang kanilang subdivision, PERO may isa kang kailangang gawin para manirahan at manatiling respetado, ano iyo? ang MAGSINUNGALING. siyempre sino ba ang gustong pagtawanan, laitin ng kapwa niya kapit bahay kapag nalaman nilang ikaw ay galing sa iisang pipitsuging pamilya, at nag aral sa di kilalang pamantasan diba? May panghahawakan kang dignidad. At ang dignidad na iyon ay hindi mo ipapa apak sa ibang tao.

Habang pinapanuod ko ito mga unang episodes ay nakakatawa siya, light mood pa eh yung tipong nagpapataasan sila tapos as usual may taga sulsol para magka iringan silang mga magkakapamilya, pero nagbago ang lahat nung namatay yung nanay ni myung joo at nung pumasok na sa eksena ang tutor at doon na nagkanda letse letse idagdag pa natin yung paglipat nina soo im. Grabe nakaka stress itong palabas na ito pero worth it naman siya panoorin, marami kang matututunang aral dito. base nga sa kanilang ost na we all lies. Tama nga naman din kailangan nating magsinungaling para magkaroon ng katotohanan. Ang tanong, masama ba ang magsinungaling? pero bago mo masagot iyan, ano ba ang tama at mali? ano ba ang batayan para masabing tama iyan at mali ito at vice versa.

Tapos relatable siya saakin kasi ang kuya ko ay nag stop ng pag-aaral and pag nag aask ang mga friends ni mama ay sinasabi niya na ayon nag aaral pa rin kuno. hindi naman ikinakahiya ni mama si kuya pero ayaw niya lang kasing siguro na pag usapan pa ng mga kaibigan niya diba? ako naman ay naiinis pero pinagbibigyan ko lang, hoy ang hirap kaya ng ganon kailangan mong magsinungaling para lang sa ikabubuti ni kuya diba. Well kayo na manghusga kung mali ba iyon o tama.
Was this review helpful to you?