Details

  • Last Online: Jun 19, 2025
  • Gender: Female
  • Location:
  • Contribution Points: 1,571 LV8
  • Roles:
  • Join Date: May 20, 2011
P
On Deprecated profile comment Sep 15, 2012
Profile Deprecated profile comment Spoiler
Yung una kong nakanood ng Kdrama hindi ko matandaan kung ano yun pero para sakin ang OA nila umarte. Kahit yung gulat nila talagang malalaki yung mga mata nila eh. Yung galit nila sobrang sigaw lol. Pero it grew on me. Nasanay na rin ako. Sa dorama, hindi ko maexplain pero kayang kaya nilang i-touch yung puso ko. At kahit yung mga feelings na akala ko hindi nag-eexist sakin, meron pala. Kumbaga sa pag-ibig yung Kdrama, yun yung exciting rollercoaster ride. Yung dorama naman, yung quiet, caring sort of love. At mas gusto ko yung huli :D
0 0
P
On Deprecated profile comment Sep 15, 2012
Profile Deprecated profile comment Spoiler
Either walang special moment or PURO special moment. Hahaha extreme sila eh. Addict sila dun sa mga tinatawag nilang 'events' *ehemWGMehem*. Pinaghahandaan ng sobra yung mga bonggang romantic moments pero sa Jdrama kahit walang ganun eh. Sa Nagareboshi (isa sa mga paborito ko) walang masyadong angst or tension sa pagitan ng mga leads pero ramdam mo sa mga tingin nila, sa mga salitang hindi nila sinasabi, alam mo na mahal nila isa't isa. Ni wala nga atang kiss dun eh pero para sakin isa yun sa mga pinakaromantic na love story... Hay... mapanood nga ulit yun bwahahaha

Mukhang maganda yang God Quiz ah...
0 0
P
On Deprecated profile comment Sep 15, 2012
Profile Deprecated profile comment Spoiler
Tama~ Madalang sumubok ng iba yung Kdrama eh. Sa Jdrama halo-halo. Sports, Crime, RomCom, Suspense, Friendship. Ang maganda pa sa kanila hindi umiikot yung mundo nila sa Romantic Love. Sa dorama, lahat ng love tinatalakay nila eh. Pero kung Jdrama lang puro yung panonoorin ko, siguro malulungkot din ako. Sa tingin ko mas ok na pumili ng dramang panonoorin base sa storya, hindi kung sino ang may gawa sa kanila. Pero kanya-kanyang trip yan hehe.

Pag cable network kasi mas malawak audience nila, hindi limitado sa Koreans lang. So mas may variety talaga. Pero sa tingin ko kaya mas konti eps sa kanila kasi mas maliliit silang productions eh.
0 0
P
On Deprecated profile comment Sep 15, 2012
Profile Deprecated profile comment
Yun ang dahilan kung bakit na-fall ako sa dorama (Jdramas) in the first place. Ang gaganda ng choice of words nila. Yung mga dialogues simple pero tagos sa puso. Minsan naman ang lalim at mapapaisip ka talaga. Impression ko tuloy sa mga Japanese malalalim silang mga tao hehehe.
0 0
P
On Deprecated profile comment Sep 15, 2012
Profile Deprecated profile comment Spoiler
Ako rin. Gusto ko rin yung mga narration. Madalas kasi yung mga sinasabi dun yun yung iniisip at nararamdaman ng character eh. So may nalalaman tayong bago tungkol sa kanila. Mas nakaka-touch kasi kung mas kilala natin yung character eh. Nakaka-relate at nakaka-empathize tayo.

Tama. Ganun din yung mga sama ng loob ko sa mga libro na ginagawang palabas eh. May expectation at standard na nabuo na tayo sa pagbasa dun sa libro eh. So pag hindi natin nakita yun lalo na yung mga paborito nating parte at hindi siya gaya ng na-imagine natin, nadi-disappoint tayo. Lalo na pag may dinadagdag silang mga scene na hindi match dun sa ugali ng character... ay nakakasama lang ng loob. Tsk tsk tsk... sana iwasan nila yun at gumawa na lang sila ng bagong storya :P
0 0
P
On Deprecated profile comment Sep 15, 2012
Profile Deprecated profile comment Spoiler
Sus oks lang yan. Ganun naman ata lahat ng may hilig sa libro. Totoo lang mas naiiyak ako sa libro kesa sa mga napapanood ko. Pag libro kasi napaka-vivid ng mga salita. Lahat ng emosyon at naiisip nila, walang takas sa libro eh. Sa mga drama kasi may mga hindi tayo napapansin. Yung iba nga kung walang narration, hindi ko malalaman na malungkot na pala sila. Yung mga aktor dinadala nila yung mga palabas. Sa libro walang nagdadala kundi imahinasyon natin eh.
3 0
P
On Deprecated profile comment Sep 15, 2012
Profile Deprecated profile comment
Nakakatuwa na sobrang nai-invest tayo sa mga characters na pinapanood natin. Nasasaktan tayo pag nasasaktan sila, umiiyak kasama nila, tumatawa sa mga jokes nila. Halos parte na tayo ng mga pinapanood natin eh.
0 0
P
On Deprecated profile comment Sep 15, 2012
Profile Deprecated profile comment Spoiler
Unnie!!!! Kelangan ko ng kausap. Yung puso ko sasabog sa galit! Nakakainis yung tatay ni Hogae. Argh~ gusto ko siyang sakalin. Chincha. Nagiging violent ako sa mga pinapanood ko, ano ba yan. Lumalabas yung kaitiman ng budhi ko :P
0 0
On The Legend Sep 15, 2012
Title The Legend
I've read somewhere that the actual ending is different from what they originally intended to. Although I'm initially fine with the ending, now that I know what I know... I say they could have done better with it.
1 0
P
On Deprecated profile comment Sep 15, 2012
Profile Deprecated profile comment Spoiler
*nods* Kung iba-base mo lang sa birth certificate parang ganun nga :)

Yung profile pic ko: 4 siyang picture na pinagdikit-dikit. ^^
0 0
P
On Deprecated profile comment Sep 15, 2012
Profile Deprecated profile comment Spoiler
Hahaha, melodrama na yang iniisip mo ha... :P

Yung profile pic ko sa not-so-personal... sino pa nga ba kundi si HwangBo xD
0 0
P
On Deprecated profile comment Sep 15, 2012
Profile Deprecated profile comment Spoiler
Oo. Ok lang sa kanya. Siya pa rin naman yung mama nya eh. Kaya lang sa birth certificate nung baby, yung papa niya yung papa namin. So in short, siya yung bunso naming kapatid ^^

Kung gusto mo kong i-add sa personal account ko or kung hindi ok lang sakin lol. PM ko sa'yo.
0 0
P
On Deprecated profile comment Sep 15, 2012
Profile Deprecated profile comment Spoiler
Yup. Baby talaga siya ng dati naming kasambahay pero mahal na mahal kasi ni daddy yung baby na yun kasi samin lumaki eh. Yung kasambahay kasi namin na yun eh nabuntis nung bf nya pero nagbreak din sila. Kaya pinatuloy ulit ni daddy sa puder namin yung kasambahay at yung baby niya. Inaasikaso na nila ngayon yung papeles para formal na maampo na namin yung baby. Sounds like telenovela no? ^^

Princess Summer yung name ko dun. Pero may isa pa kong account dun - personal account.
0 0
P
On Deprecated profile comment Sep 15, 2012
Profile Deprecated profile comment Spoiler
Mukhang masaya umaga mo. Ako hindi masyado ginising ako ng iyak ng baby namin :|
Nga pala, unnie may FB ka?
0 0
P
On Deprecated profile comment Sep 14, 2012
Profile Deprecated profile comment
Hahahaha hindi ko alam kung san ang utak ko. Hindi ko napansin Saturday na pala xD
Anyway, ohayo~
0 0
P
On Deprecated profile comment Sep 14, 2012
Profile Deprecated profile comment
Oh naka-leave ka? Ako naman eh inaantok na. Aga ko nagising eh. So matutulog na ko. Usap uli tayo bukas~ Nighty night! :D
0 0
P
On Deprecated profile comment Sep 14, 2012
Profile Deprecated profile comment
Haha baka inaantok ka na. 10pm na oh. Maaga pa pasok mo bukas. (Wow, sounds like nanay ako ah)
0 0
P
On Deprecated profile comment Sep 14, 2012
Profile Deprecated profile comment
Hmmm hindi ko totally naiintindihan (at baka nag-aassume lang ako) pero gets ko yung feeling na ayaw kong i-share yung special place ko. At hindi rin naman ako yung tipo ng tao na ni-re-reveal sa lahat kung ano yung totoo kong iniisip at tsaka mga feelings ko. So naiintindihan kita... konti :D
0 0
P
On Deprecated profile comment Sep 14, 2012
Profile Deprecated profile comment
Exactly my feelings. Kawawa dahil taghirap :P
Awww wala kang super ka-close sa kanila?
0 0
P
On Deprecated profile comment Sep 14, 2012
Profile Deprecated profile comment
Ang hirap magkuripot sa sarili ko. :(
Hahaha hindi pa ba ako sapat sayo :P eh mga ka-officemate mo ayaw ba nila?
0 0